April 9, 2025
SA araw na ito, tayo ay nagbabalik-tanaw at nagpupugay sa mga Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kalayaan at karangalan ng ating bayan.
Sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, ating naaalala ang mga aral ng kasaysayan–na ang kalayaan ay hindi madaling nakakamtan at ito’y pinagbabayaran ng pawis, dugo, at buhay.
Hinihikayat tayo ng araw na ito na patuloy na magsikap para sa bansa at ipakita ang ating tapang at malasakit sa mga hamon ng makabagong panahon.
Ngayon, ipakita natin ang pasasalamat sa mga naging bayani ng nakaraan sa pamamagitan ng pagiging bayani sa kasalukuyan. Mula sa paggawa ng mga maliliit na kabutihan hanggang sa mga dakilang layunin para sa bayan, magkaisa tayong lahat upang patuloy na maipagmalaki ang ating pagiging Pilipino.
Panatilihin nating buhay sa ating puso’t isipan ang diwa ng kagitingan.

JINGGOY ESTRADA SURRENDERS TO CIDG
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
DOT, DMW, INTRAMUROS ADMINISTRATION LAUNCH ‘PASYAL PAMILYA’ PROGRAM FOR OFWs
19,000 NURSING, ALLIED HEALTH SCIENCES STUDENTS TO GET P25K RLE FINANCIAL AID — BAM
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA