BATAY sa inilabas ng Commission on Audit (COA) ukol sa financial report ng mga local government units (LGUs), nanatiling pinakamayamang lungsod, probinsiya at munisipalidad ang Quezon City, Cebu at Carmona, Cavite, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa 2022 Annual Financial Report on Local Government na inirepost ng COA, ang Quezon City ay pinakamayaman pa rin sa 147 lungsod sa bansa na may kabuuang asset na P443.406 bilyon sa pagtatapos ng taong 2022, mas mababa ng P7.6 bilyon kumpara sa idineklara nitong P451.007 bilyon noong 2021.
Ang probinsiya ng Cebu naman ang pinakamayamang lalawigan na may idineklarang asset na P235.738 bilyon noong nakaraang taon, mas mataas ng P20.47 bilyon kumpara noong nakaraang taon.
Napanatili din ng Carmona, Cavite ang pinakamataas na puwesto bilang pinakamayamang munisipalidad sa P6.523 bilyong asset, na umunlad ng P311 milyon mula sa P6.212 bilyon noong 2021.
Ang kopya ng mga ulat na ito ay isinumite na noong Setyembre 26 sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, Senate president at House Speaker.
Sakop ng 2022 AFR on Local Government ang 81 probinsjya, 147 lungsod, at 1,487 munisipalidad.
Batay sa report, ang 19 iba pang pinakamamayamang lungsod, ayon sa pagkakasunod ay Makati City (P239.478 bilyon); Maynila (P77.506 bilyon); Pasig City (P52.152 bilyon); Taguig City (P40.840 bilyon); Mandaue City (P34.231 bilyon); Cebu City (P30.545 bilyon); Mandaluyong City (P32.550 billion); Davao City (P29.701 bilyon); Parañaque City (P27.376 bilyon); Caloocan City (P27.205 bilyon); Zamboanga City (P23.408 bilyon); Laoag City (P20.971 bilyon); Antipolo City (P18.762 bilyon); Calamba City (P18.585 bilyon); Pasay City ( P17.979 bilyon); Puerto Princesa (P16.798 bilyon); Baguio City (P14.465 bilyon); Cagayan de Oro (P13.608 bilyon) at Valenzuela City (P13.323 bilyon).
Kspansin-pansing distansya bilang frontrunner ang Dasmariñas City sa Cavite na may kabuuang asset na P13.26 bilyon, Las Piñas City sa Metro Manila na may P13.229 bilyon, at Iligan City sa Lanao del Norte na may P13.108 bilyon. Ang pinakamayayamang lalawigan ay kinabibilangan ng Cebu (P235.738 bilyon); Rizal (P35.595 bilyon); Batangas (P31.999 bilyon); Davao de Oro (P23.108 bilyon); Ilocos Sur (P21.562 bilyon); Bukidnon (P21.058 bilyon); Iloilo (P19.977 bilyon); Negros Occidental (P19.419 bilyon); Cavite (P19.342 bilyon); Pampanga (P19.127 bilyon); Palawan (P18.135 bilyon); Leyte (P17.910 bilyon); Isabela (P17.892 bilyon); Surigao del Norte (P16.793 bilyon); Camarines Sur (P16.192 bilyon); Pangasinan (P15.897 bilyon); Zamboanga del Sur (P15.849 bilyon); Negros Oriental (P14.659 bilyon); Bulacan (P13.825 bilyon); at Nueva Ecija (P13.780 bilyon). Samantala, ang pinakamayayamang munisipalidad ay ang Carmona, Cavite (P6.523 bilyon); Limay, Bataan (5.792 bilyon); Silang, Cavite (P4.454 billion); Caluya, Antique (P3.822 bilyon); Cabugao, Ilocos Sur (P3.806 bilyon); Cainta, Rizal (P3.767 bilyon); Taytay, Rizal (P3.671 bilyon); Claver, Surigao del Norte (P3.568 bilyon); Binangonan,Rizal (P3.490 bilyon); Ang Sta. Maria, Ilocos Sur (P3.268 bilyon); Ang Sta. Cruz, Ilocos Sur (P3.216 bilyon); Pilar, Abra (P3.203 bilyon); Magsingal, Ilocos Sur (P3.044 bilyon); Nasugbu, Batangas (P2.959 bilyon); Sinait, Ilocos Sur (P2.921 bilyon); Rodriguez, Rizal (P2.855 bilyon); Sual, Pangasinan (P2.645 bilyon); Bataraza, Palawan (P2.575 bilyon); Salcedo, Ilocos Sur (P2.550 bilyon); at Tanay, Rizal (P2.534 bilyon). Humahabol naman ang mga munisipalidad ng Aroroy, Masbate na may P2.511 bilyon; Masinloc, Zambales na may P2.449 bilyon; Mariveles, Bataan na may P2.338 bilyon; at Mauban, Quezon na may P2.320 bilyon.

PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
KALINGA BILL TO DELIVER TARGETED AID TO WORKERS, TRANSPORT, FARMERS – SPEAKER DY
KIKO BARZAGA SURRENDERS AFTER MAKATI COURT ISSUES ARREST WARRANT FOR CYBER LIBEL
PRESIDENT MARCOS DOES JUMPING JACKS TO DEBUNK HEALTH RUMORS
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN