
WAR TORN BUILDING
KINUMPIRMA noong Huwebes ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Pilipino ang nasawi sa Israel kasunod ng pag-atake ng Hamas.
Sinabi ng DFA na ang biktima ay isang Filipina caregiver na nagtatrabaho sa isang communal settlement sa Israel nang magsagawa ng sorpresang pag-atake ang militanteng grupo ng Hamas noong Oktubre 7. “Ikinalulungkot kong ipaalam sa bansa na nakatanggap kami ng kumpirmasyon mula sa gobyerno ng Israel tungkol sa isa pang Pilipinong nasawi sa Israel,” ayon sa post ni DFA Secretary Enrique Manalo sa X, dating Twitter.
Sinabi niya na ang gobyerno ay nagbigay ng katiyakan sa mga kamag-anak ng kanilang buong suporta at tulong. Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na ang ikaapat na nasawi ay isa sa tatlong Pinoy na idineklarang nawawala.
Aniya, wala pa ring impormasyon sa dalawang Pinoy na nananatiling nawawala sa Gaza.