CTTO
APATNAPU’T-WALONG Pilipino kabilang ang kanilang mga pamilyang Palestino na pawang residente ng patuloy na may giyera ngayong Gaza Strip ang dumating na sa Pilipinas Linggo ng gabi.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Administration Antonio Morales, ang mga ito ay binubuo ng 41 Pinoy at walong Palestino na karamihan ay mga asawa ng Filipino evacuees.
“They are all permanent residents in the Gaza Strip. They are among the 56 evacuees who are able to cross Egypt on Saturday, November 11. However 14 turned back and returned to the Gaza Strip when nine Palestinian family members were not allowed by the border guards to enter Egypt,” ani Morales.
Nagpasalamat si Morales sa mga iba’t ibang embahada sa pagtulong sa repatriation ng mga Pilipino kasabay ng pahayag na umaasa silang ang panibagong batch ng mga Pinoy ay darating ng Maynila ngayong araw.
Base aniya sa impormasyon na kanilang nakuha mula sa embahada sa Amman, 39 na Pilipino na lamang ang naiwan sa Gaza Strip.
Sinabi ni Morales na ang ibang Pilipino ay atubiling umalis sa lugar dahil ayaw iwan ang kanilang mga asawa na hindi pinayagang makatawid sa border ng Egypt.
“Mahal nila sa buhay hindi nila maiwanan pero hindi po basta basta nakakatawid. Kailangan po ‘yung mga kinauukulan, ‘yung Egyptian authorities, Israel authorities, sa paglabas at pagpasok sa Gaza Strip. ‘Pag nasa Egypt na po sila hindi na po mahirap dahil ang ating embahada ay bibigyan naman sila ng kaukulang tulong katulad po nung grupo na nandito ngayon. Napansin niyo tinulungan po natin sila hanggang sa kanilang accommodation ay binibigay,” pahayag ng opisyal.
Isa sa mga pamilyang mapalad na nakatawid ng border ay sina Gemmacabug-Os El Jamal, ang kanyang Palestinong mister na si Dr. Iyad El Jamal at ang kanilang dalawang anak.
Si Gemmacabug ay 31-taon nang naninirahan sa Gaza.

OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
AIR INDIA PLANE CRASH LEAVES 1 SURVIVOR, 241 PASSENGERS DEAD
DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA