ISANG dating opisyal sa South Korea na wanted dahil sa umano’y pagnanakaw ng mahigit P200 milyon sa kaban ng kanilang bansa ang nasakote ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang operasyon sa Mandaluyong.
Kinilala ng BI ang suspect na si Choe Youngsam, isang South Korean national na umano’y target ng Interpol red notice.
Batay sa ulat, nakapasok sa bansa ang suspect noong nagdaang taon na wala pa siyang derogatory record.
Upang makaiwas sa huli ay nagpalipat-lipat umano si Youngsam ng tirahan.
“Lumapit nga sa atin yung Korean government upang ipahanap itong isang dating public servant nila which is parang opisyal na kung maikukumpara sa atin ay PhilHealth. Dinespalko umano niya ang 4.8 billion Korean won. Tinakas niya ito at dito siya nagtago sa Pilipinas,” ani Fugitive Search Unit chief Rendel Sy.
Si Youngsam ay nahuli ng mga intelligence operatives at mga tauhan ng CIDG habang palabas ng isang condo sa Mandaluyong.
Ang nasakoteng suspect ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa kanyang deportasyon.

PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
6 DEAD IN MILITARY HELICOPTER CRASH
CEBU COP SACKED OVER ‘BRING ME DRUG PUSHER CHALLENGE’ VIDEO
SIGNAL NO. 4 UP IN PARTS OF VISAYAS, MINDANAO DUE TO ‘TINO’
15-YEAR-OLD BOY LISTED AS MOST WANTED ARRESTED IN TARLAC
2 WANTED MEN ARRESTED WHILE VISITING DEPARTED LOVED ONES ON ALL SAINTS’ DAY
DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA