NASA plenaryo na ng Kamara de Representantes para pagdebatehan ang divorce bill na mariing tinututulan ng mga Obispo ng simbahang Katoliko.
Nitong nagdaang Lunes ay dineliber na ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, may akda at pangunahing nagsusulong ng panukala, ang kanyang sponsorship speech.
Sinabi niyang natutuwa siyang sa loob lamang ng halos isang taon na inaprubahan ng Committee on Population and Family Relations ang substitute bill sa diborsiyo noong March 21, 2023 ay nasa plenaryo na ito.
Pinasalamatan ni Lagman si Speaker Martin Romualdez at House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa pagpayag na maiakyat sa plenaryo ang House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill.
Ayon kay Lagman, ang absolute divorce ay kailangan ng mga mag-asawa na nag-collapse na ang relasyon at hindi na kaya pang i-repair.
Karamihan aniya sa mga biktima ay mga babae na nakararanas ng kalupitan, karahasan, “infidelity” o pagtataksil at iniiwan.
Ani Lagman, ang absolute divorce ay hindi naman para sa lahat dahil marami pa rin sa mga Pilipinong mag-asawa ang masayang nagsasama at hindi kailangan ng divorce law.
Ipinaliwanag din niyang sa pagkakaloob ng absolute divoce ay wala na talagang kasal ang nawasak kungdi matagal nang naglaho ang pagsasama.
Kabilang sa “grounds” sa absolute divorce sa ilalim ng nasabing panukala ay kung ang mag-asawa ay hiwalay na ng tinataya sa limang taon at malabo na ang pagbabalikan, kung ang mga ito ay legally separated by judicial decree ng tinataya sa dalawang taon, kapag ang isa sa mag-asawa ay sumailalim sa sex reassignment surgery o nagpalit ng kasarian, kung hindi na talaga magkasundo o kung may domestic o marital abuse.
Ang mga ito ay dagdag pa sa paglusaw sa kasal base sa psychological incapacity, legal separation o annulment ng kasal.
Ayon naman kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na nagsusulong din ng panukalang ito, mula noong 13th Congress ay nais na nilang gawing legal ang diborsyo.
Ani Brosas, napapanahon nang maisabatas ang diborsyo upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-asawa lalo na ang mga naabusong misis na magkaroon ng opsyon na kumawala at maging malaya mula sa hindi na magandang pagsasama.

POLICE PRESSES HUNT FOR KILLERS OF POLICEWOMAN, SON
LACSON: RULE OF LAW MUST BE RESPECTED IN SC RULING ON VP DUTERTE’S IMPEACHMENT CASE
KEEP YOUR GUARD UP VS NIPAH VIRUS, CHIZ TELLS HEALTH, BORDER AUTHORITIES
PBBM ORDERS STRICT MONITORING VS NIPAH VIRUS, OTHER INFECTIOUS DISEASES
DSWD URGED TO FAST-TRACK ‘ANTI-EPAL’ GUIDELINES TO SHIELD CASH AID FROM POLITICS
ONLY SENATE ETHICS COMMITTEE CAN INITIATE SANCTIONS ON DELA ROSA, INCLUDING POSSIBLE EXPULSION – LACSON
COTABATO AMBUSH LEAVES 4 YOUNG PEOPLE DEAD