INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II na umpisa Agosto ay kanila nang uumpisahan ang panghuhuli sa mga expired ang rehistro at karag-karag na mga sasakyan na patuloy na bumibiyahe subalit madalas na pinagmumulan ng aksidente sa kalsada.
Sa memorandum order na may petsang Hunyo 16, 2025, sinabi ni Mendoza na posibleng simulan nila sa Agosto ng kasalukuyang taon ang panghuhuli sa mga karag-karag na sasakyan na naglalagay sa peligro sa buhay hindi lamang ng mga pasahero kungdi maging ng mga pedestrian.
“For enforcement purposes, this includes vehicles with clearly defective parts such as broken windshields, exposed or hanging parts, bald tires, excessive emission, or major visible structural damage,” anang memorandum.
Ayon din sa memorandum, ang mga sasakyang may delingkuwenteng rehistro ay hahatakin at makukuha lamang ito ng may-ari matapos ma-renew ang registration at sumailalim sa roadworthiness inspection sa ilalim ng Joint Administrative Order 2014-01 at Republic Act 4163 na may katapat na multa na P10,000.
“This should serve as a notice to owners of motor vehicles to comply with your obligation to keep the registration of your motor vehicles updated otherwise it would need to go to a more stringent process before renewal,” ayon sa LTO chief.
Aktibong isinusulong ng Marcos administration na mabawasan ang mga aksidente sa kalsada sa bansa ng hanggang 35% pagsapit ng 2028 sa ilalim ng Phlippine Road Safety Action Plan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), tinataya sa 1.3 milyong katao ang namamatay sa aksidente sa kalsada habang 20 million hanggang 50 milyon ang nasugatan, kabilang na ang nabalda.
Sa Pilipinas, base sa UN data, tinataya sa 32 katao ang namamatay sa aksidente sa kalsada araw-araw.
“Road safety is a matter of life and death. On the part of the LTO, we are actively pursuing preventive measures through interventions to keep all road users safe,” ani Mendoza.
“And included in this is our campaign against these kinds of vehicles. So we appeal to delinquent motor vehicles to do the right thing dahil kaligtasan ninyo at ng inyong mga mahal sa buhay ang nakataya dito,” giit pa ni Mendoza.

ESCUDERO SEEKS DETAILED PRICE ANALYSIS SYSTEM TO CURB OVERPRICING IN INFRASTRACTURE PROJECTS
ATENEO TO OPEN NEW CAMPUS IN CAVITE
MPTC GEARS UP FOR ‘UNDAS,’ REACTIVATES ‘BIYAHENG ARANGKADA’
BOC CONFISCATES NEARLY P13M WORTH OF FROZEN CHICKEN FROM CHINA DECLARED AS FISHBALLS
MARCOS NAMES OIC FOR NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
PBBM ORDERS PRICE FREEZE ON BASIC COMMODITIES UNTIL YEAR-END
CHRISTMAS SPIRIT ILLUMINATES AT SM CENTER SAN PEDRO
COORDINATED OPERATIONS NET WANTED FELONS, DRUGS SUSPECTS IN PAMPANGA