INIUTOS ni Transportation Secretary Vince Dizon ang ‘perpetual revocation’ ng lisensya ng abogadang sumagasa sa isang traffic enforcer sa Kawit, Cavite.
Ito’y bilang tugon sa paulit-ulit na bilin ng Pangulo na parusahan ang mga abusadong driver sa kalsada.
“‘Pag kayo ay hindi sumunod sa batas, kayang-kayang tanggalin ng gobyerno, ng LTO, ang lisensya n’yo. Either temporarily, or in the case ng mga grabeng violator, forever o habambuhay kayong hindi makaka-maneho, makakasuhan pa kayo,” ani Secretary Dizon sa media briefing nitong Martes.
“Nagyayabang pa itong (driver) na kesyo abogado sya. Kung abogado ka, mananagasa ka ba ng enforcer? Okay, since abogado ka, harapin mo itong mga parating sa ‘yo,” babala ni Sec. Dizon.
Ayon sa traffic enforcer na si Michael Trajico, ginawa lamang nya ang kanyang trabaho kaya natakot sya nang sagasaan sya ng driver at halos 15 minuto siyang nakasampa sa hood ng sasakyan.
Pinayuhan ni Secretary Dizon ang enforcer na kasuhan ang abogadang sumasagasa sa kanya.
“Michael, nasa likod mo kami. ‘Wag ka matakot sampahan mo ng kaso ‘yan. ‘Wag ka matakot porke abogado,” pahayag ng kalihim.
Samantala, inihayag din ni Secretary Dizon ang planong pagsasapubliko sa mga pangalan ng mga abusadong driver, lalo na ang mga matindi ang paglabag sa batas trapiko.

CEBU COP SACKED OVER ‘BRING ME DRUG PUSHER CHALLENGE’ VIDEO
EJERCITO FILES ‘EMMAN ATIENZA BILL’ TO FIGHT ONLINE HATE, HARASSMENT
SIGNAL NO. 4 UP IN PARTS OF VISAYAS, MINDANAO DUE TO ‘TINO’
ESCUDERO: INFRASTRACTURE PROJECTS MUST BE SUPPORTED BY FEASIBILITY STUDIES
TEACHERS’ GROUP BACKS VICE GANDA ON SORSOGON ‘BULOK’ SCHOOL REMARK
COMPASSION IN UNIFORM: KALINGA TOP COP PAYS FOR MILK STOLEN BY MAN FOR HIS BABY
P1.6M FLOATING MARIJUANA FOUND IN BATANGAS
ROBBERS HIT 2 CONVENIENCE STORES IN BULACAN
ROOKIE COP NABBED FOR ALLEGED SEXUAL ASSAULT OF FELLOW OFFICER