PITO sa walong pulis-Cavite na huli sa video na niraransack ang bahay ng isang retiradong professor habang nagsasagawa ng anti-drug operation ang dinismis sa serbisyo.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, Quezo City nitong Miyerkules, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo na pinirmahan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang dismissal order laban kina Staff Sergeants Jesus Alday, Julius Barbon, at Emil Buna; Corporals Jenerald Cadiang at Lew Amando Antonio; at Patrolmen Reymel Czar Reyes at Rene Mendoza.
“Sasampahan sila ng anim na bilang ng kasong grave misconduct, dalawang less grave misconduct, isang bilang ng grave irregularity in the performance of duty, grave dishonesty at conduct unbecoming of a police officer,” ani Fajardo.
Ayon sa tagapagsalita ng PNP, ibinase ni Acorda ang desisyon sa naging rekomendasuon ng PNP Internal Affairs Service.
Nag-ugat ang kaso sa August 2 operation ng mga miyembro ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Unit na pawang nakasibilyan nang sapilitang pasukin ang bahay ng 67-anyos na suspect na si Rebecca Caoile sa Bgy. Alapan 1-A, Imus City, Cavite.
Sa video na nag-viral sa social media, maririnig si Caoile na humihingi ng tulong. Ipinakita rin ang ilang mga pulis na kinakalikot ang isang nakaparadang motorsiklo habang ang iba naman ay bitbit ang ilang mga gamit mula sa bahay, kabilang ang gulong at rim ng motor.
Tinangay din diumano ng mga pulis ang cash, isang laptop, at iba pang mga gamit sa bahay ni Caoile na noon ay dinakip.
Ang mga akusadong pulis ay agad na ni-relieve at sinamphan ng kasong kriminal at administratibo.
Absuwelto naman ang ikawalong pulis na si Senior Master Sgt. Daisy Diones sa kasong grave misconduct dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya laban dito.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES