SUMIRIT ang kaso ng mga batang tinamaan ng pneumonia sa bansang Pakistan.
Mahigit 19,000 ang na-diagnose na may pneumonia sa hilagang silangang lalawigan ng Punjab nitong nagdaang buwan ayon sa pahayag ng mga opisyal noong Sabado.
Kaya naman hinikayat ni Jamal Nasir, isang senior health official sa Pakistan, ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ayon sa opisyal, nasa 55,000 hanggang 60,000 ang namamatay sa Pakistan kada taon dahil sa pneumonia.
“Every year 55,000 to 60,000 children die in Pakistan because of pneumonia and this is not the first time,” ani Nasir sa isang video statement.
Ang sitwasyon ay lalo pa umanong pinalala ng malamig na panahon, smog at alikabok.
Kaya naman ayon kay Nasir, naglaan sila ng libreng bakuna sa buong lalawigan.
Dumaranas ngayon ng cold wave ang Pakistan.
Ang gitna at hilagang bahagi ng naturang bansa ay nakararanas ngayon ng matindi mga pag-ulan at pagbuhos ng yelo.

OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
AIR INDIA PLANE CRASH LEAVES 1 SURVIVOR, 241 PASSENGERS DEAD
LGU’S RECEIVE BENGUET VEGGIES
5 GRADE SCHOOL PUPILS DROWN IN POND IN MARAWI
‘PAIHI GANG’ BUSTED IN AGUSAN
3 GOLD BUYERS LOSE P3.3-M TO ROBBERS IN TARLAC