SUMAKABILANG-BUHAY na ang batikan at premyadong aktres na si Jaclyn Jose nitong Linggo, Marso 3, 2024 sa edad na 59.
Si Jaclyn o Mary Jane Guck sa totoong buhay ay natagpuang patay sa kanyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.
Wala pang inilalabas na mga detalye ang pamilya ng aktres sa dahilan ng kanyang pagpanaw.
Isang official statement ang inilabas ng talent management ng aktres na PPL Entertainment hinggil sa pangyayari.
“It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck).
More details will be shared as soon as they are available.
“The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times,” anang pahayag ng PPL Entertainment
Si Jaclyn ay ipinanganak noong Marso 16, 1964, sa Angeles City, Pampanga.
Nagsimula ang kanyang showbiz career noong unang bahagi ng dekada 80. Dahil sa kanyang talento at galing sa pag-arte ay mabilis siyang nakilala sa mundo ng showbiz.
Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay ang “Private Show” (1985), “White Slavery” (1985), “Itanong Mo Sa Buwan” (1988), “Machete II” (1994), “Sarong Banggi” (2005), at “Ma’ Rosa” (2016).
Sa telebisyon ay lumabas siya sa “The Legal Wife” (2014), “Maalaala Mo Kaya,” at “FPJ’s Ang Probinsyano,” kung saan director at producer ang aktor na si Coco Martin.
Si Coco ay napag-alamang isa sa mga unang dumating sa bahay ni Jaclyn nang mabalitaan ang malungkot na balita.
Si Jaclyn ay isa sa itinuturing na pinakamahusay na aktres sa industriya na naging mukha ng mga classic teleserye at pelikula.
Noong 2016, kinilala siya bilang kauna-unahang Filipina actress na nagwagi ng Best Actress Award sa Cannes Film Festival sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula ni Brillante Mendoza bilang si Ma’ Rosa.
Samantala, nabatid na dumating din ang mga tauhan ng Scene of the Crime Office sa bahay ng aktres para magsagawa ng imbestigasyon.

5 DETAINEES DIE IN POLICE CAR CRASH IN QC
ICC CONFIRMS CHARGES VS DUTERTE
6 DIE IN PANGASINAN FIRE
PISTON SEEKS P10 JEEPNEY FARE HIKE
MARCOS VOWS TO BRING ZALDY CO HOME
BIG FUEL PRICE ROLLBACK NEXT WEEK
4 NABBED FOR ILLEGAL SALE OF DIESEL IN TARLAC
GATCHALIAN BILL SEEKS SOCIAL MEDIA BAN FOR MINORS UNDER 16
PRESIDENT MARCOS TO MAKE STATE VISIT TO JAPAN IN MAY