VP SARA DUTERTE
NAGLABAS ng pahayag ang Alliance of Concerned Teachers o ACT ukol sa ginawang “pagsisi” ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga protesta kaya mababa ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll para sa school year 2023-2024.
Ayon kay ACT chairman Vladimer Quetua, sa halip umano na sisihin ang pagbaba ng mga enrollees ngayong school year sa mga protesta, dapat na tugunan ni VP Sara ang “krisis sa edukasyon” na kinakaharap ng bansa.
Binigyang-diin ni Quetua na responsibilidad ng Department of Education (DepEd) na ipaliwanag kung bakit bumaba ng dalawang milyon ang enrollment.
“Dapat tingnan ng DepEd ang ugat ng mga problema ng sektor ng edukasyon na naging dahilan upang hindi na makabalik sa paaralan ang mga mag-aaral ngayong taon, tulad ng mga problemang pinansyal na kinakaharap ng mga sambahayan dahil sa mga problema sa ekonomiya ng bansa.
“Sa katunayan, iyon ang dahilan kung bakit kami nagpunta sa mga lansangan upang igiit ang mga panawagan para sa edukasyon, mga guro, at mga mag-aaral.
“Walang basehan itong akusasyon ni Sara Duterte. She’s constantly blaming the critics while nothing is doing to find out the reasons kung bakit bumababa ang enrollment,” paliwanag ni Quetua.
Matatandaang sa isang talumpati ni VP Duterte noong nakaraang linggo, iginiit nitong ang mga protesta ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng enrollees para ngayong school year, sabay sa pagbatikos kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa pagsisi nito sa DepEd.
“Hindi na nakapagtataka kung bakit lubhang bumaba ang enrollment. Malinaw na ang mga kilos-protesta na tumatawag sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno ay hindi ang dahilan kung bakit nawalan ng karapatan ang isang kabataang Pilipino sa edukasyon.
“Matagal na nating sinasabi na hindi sapat ang budget sa edukasyon na inilaan ng gobyerno para sa edukasyon ng mga kabataan nito. Ang responsibilidad na ito ay ipinapasa sa mga kamag-anak na kakaunti lamang ang suweldo, hindi sapat na makakain. Nakakapagtaka ba na marami ang pinipili na magtrabaho na lang at hindi mag-enroll?” ani Quetua.

DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
PBBM TO GOV’T AGENCIES: KEEP CHRISTMAS, YEAR-END CELEBRATIONS SIMPLE
DICT IMPLEMENTS ‘OPLAN PASKONG SIGURADO’ TO PROTECT PUBLIC FROM ONLINE SCAMS
6 DEAD IN MILITARY HELICOPTER CRASH
CHIZ TO AUTHORITIES: ENSURE STABLE PRICES OF BASIC COMMODITIES IN ‘TINO’-HIT AREAS
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA