SLAIN ATTORNEY
NI LEX MANALO
MARIING kinondena ng Malacanang ang pagbaril at pagpatay sa isang abogada sa Abra kasabay ng pangakong hindi titigil ang mga awtoridad para malutas ang kaso sa lalong madaling panahon.
Sisiguruhin natin na mabibigyang hustisya ang karumal-dumal na pagpatay kay attorney Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate. Nagsasagawa na ng pagtugis ang ating mga awtoridad at nananawagan tayo sa ating mga kababayan na laging maging mapagmatyag,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin.
Inilarawan ni Bersamin si Alzate na isang matapang na abogada kasabay ng kanyang pakikiramay sa naulila nitong pamilya.
Wala siyang pagod bilang public interest lawyer at commissioner ng bar discipline. Ang kanyang pagkamatay ay isang trahedya hindi lamang sa buong lalawigan ng Abra kungdi maging sa legal profession,” dagdag pa ni Bersamin.
Si Alzate ay lulan ng kanyang kotse na nakaparada sa harap ng kanyang tahanan sa Santiago St., Zone 3 sa bayan ng Bangued, Abra nang lapitan at pagbabarilin ng lulan ng motorsiklong mga salarin.
Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines ang pamamaslang kay Alzate.
Maging ang National Bureau of Investigation ay nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon kasabay ng pahayag ni Justine Secretary Crispin Remulla na mayroon na silang persons of interest sa kaso.
Si Alzate ay maybahay ni Raphiel F. Alzate na dating acting presiding judge ng Regional Trial Court Branch 24 sa Cabugao, Ilocos Sur, at RTC Branch 58 sa Bucay, Abra.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
OVER 13,000 CENTRAL LUZON COPS DEPLOYED TO SECURE All SAINTS’ DAY, ALL SOULS’ DAY
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC