NI LEX MANALO
ISANG 78-anyos na lola sa Bulacan na mahigit isang dekada nang inaalagaan ang kanyang mga numero ang nanalo ng P93-milyon sa Super Lotto 6/49 draw.
Sa kombinasyong 42-12-25-05-19-18, nabuslo ng lola ang P93,693,905.40 jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw na ginanap noong Hulyo 27.
“Hiling ko talaga ito sa Panginoong Diyos. Pinagdarasal ko na patamain niya ako,” anang lola sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Wala namang nakabuslo ng premyo sa major lotto draws na ginanap nitong Lunes.
Ang kombinasyong 37-26-05-16-21-24 ay may katumbas na panalong P28,687,710.80 sa dapat sana ay waging Megalotto 6/45 bettor nitong nagdaang Lunes.
Para naman sa Grand Lotto 6/55 , ang kombinasyong 09-02-26-49-22-30 ay panalo sana ng P29,700,000.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
OVER 13,000 CENTRAL LUZON COPS DEPLOYED TO SECURE All SAINTS’ DAY, ALL SOULS’ DAY
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC