NI LEX MANALO
TIPID sa pagsagot ang mga nasakoteng suspect sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon sa pahayag ng Philippine National Police nitong Lunes.
Sa isang press conference, natanong ng media si PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kung kinupirma ng mga nahuling suspect kung buhay pa ang mga nawawalang mananabong.
“Matipid po iyong pananalita nitong anim na ito. Kagaya ng sinabi ko kanina, Sabado pa lamang ay may lumutang na po na abogado sa kanila para i-assist,” ani Fajardo.
Ayon pa sa tagapagsalita ng pambansang pulisya, nagpahayag ang isa sa mga suspect na si Patidongan na nasa korte na ang kaso at doon na lamang nila sasagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.
Noong Biyernes, anim sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang nadakip sa Parañaque. Ang mga ito ay kinilalang sina Julie Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla na pawang security personnel sa Manila Arena.
Matatandaang noong Enero ng nakaraang taon, nagsampa ng reklamo ang pamilya ng mga nawawalang sabungero na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, at magkapatid na James at Marlon Baccay laban sa mga suspect.
Kasong kidnapping at serious illegal detention ang isinampa ng pamilya ng mga biktima sa Department of Justice laban sa anim.

DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
PBBM TO GOV’T AGENCIES: KEEP CHRISTMAS, YEAR-END CELEBRATIONS SIMPLE
DICT IMPLEMENTS ‘OPLAN PASKONG SIGURADO’ TO PROTECT PUBLIC FROM ONLINE SCAMS
6 DEAD IN MILITARY HELICOPTER CRASH
CHIZ TO AUTHORITIES: ENSURE STABLE PRICES OF BASIC COMMODITIES IN ‘TINO’-HIT AREAS
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA