MALUGOD na tinanggap ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang paghahain ng panukalang batas na nag-uutos sa publiko at pribadong sektor na kumuha ng senior citizen bilang empleyado.
Sa panayam sa programang Bagong Pilipinas Ngayon ng PTV, sinabi ni NSCS chairperson Franklin Quijano na ang paghain ng panukala sa House of Representatives ay isang “magandang hakbang” at isang “very welcome development.”
“May mga nakikita lang kaming dapat pang gawin ng ating pamahalaan. Unang-una, sana po iyong makapagtrabaho ay covered ng insurance, and sometimes iyong mga civil service law, GSIS at SSS law ay may posibilidad na limitahan ang saklaw ng insurance. Baka puwedeng tingnan ito.
“But in the meantime, with the senior citizens working, talagang natutuwa ang senior citizens diyan. May iilan nang mga establishments na talagang nagha-hire, nag-i-employ ng mga senior citizens. Sana dumami ang establishments na nagha-hire ng senior citizens. May mga mangilan-ngilan na establisimiyento na talagang kumukuha o nagpapatrabaho ng senior citizens. Sana dumami pa ang mga establishment na ito,” dagdag pa ni Quijano.
Ilang mga mambabatas, sa pangunguna ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, ang naghain ng House Bill 8972 na nagtataguyod na muling makapagtrabaho ang mga senior citizen sa bansa.
Sa ilalim ng panukalang batas, hindi bababa sa 1 porsiyento ng lahat ng posisyon sa mga ahensya ng gobyerno, opisina o korporasyon ay dapat nakalaan para sa mga kwalipikadong senior citizen.

CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
KALINGA BILL TO DELIVER TARGETED AID TO WORKERS, TRANSPORT, FARMERS – SPEAKER DY
KIKO BARZAGA SURRENDERS AFTER MAKATI COURT ISSUES ARREST WARRANT FOR CYBER LIBEL
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK