NI LEX MANALO
NASAWI ang isang Chinese national matapos umano itong aksidenteng mahulog mula sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali sa Bgy. South Poblacion, San Fernando, Cebu noong Martes.
Sa report ni Police Corporal Lianza Jean Siquijor ng San Fernando Police Station, kinilala ang biktima na si Li Guanglun, 55.
Nangyari ang aksidente ganap na alas-11 ng umaga noong Martes.
Napag-alaman na bago mahulog, naghanap umano ang biktima ng lugar na mapagpapahingahan sa ikalawang palapag ng gusali.
Sa pahayag sa pulisya ng katrabaho at assistant manager na si Gao Zhenguo, isa ring Chinese national, nagpasya umano na magpahinga si Guanglun sa bahaging gilid ng ginagawang gusali dahil presko rito at nakakarelax.
Posible umanong napasarap ng tulog ang biktima at pagpaling ay bigla itong napagawi sa kahoy na nakatakip sa butas na bahagi ng gusali at nalaglag.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES