NI KEVIN GALANG
DINAKIP ng pulisya ang dalawang kabataan na may edad 16 at 11 matapos akusahan ng pagpaslang sa kanilang sariling ina sa kanilang tahanan sa Bgy. Maliwalo, Tarlac City.
Sa ulat ng Tarlac City police kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang Esperanza, 53, store vendor ng Bgy. Maliwalo, Tarlac City.
Ang mga suspect naman ay ang mismong mga anak ni Esperanza na sina alias “Abudi,” 16, at alias “Omar,” 11.
Ayon sa Tarlac City police, sinabi ng kapatid na lalaki ng biktima na sinabihan siya ng kanyang pamangkin na si Abudi na natagpuan nila ang kanilang ina na walang buhay sa kuwarto.
Bago ang pagkakadiskubre sa labi ni Esoeranza, nagkaroon umano ito at ang kanyang dalawang anak ng mainitang pagtatalo.
Diumano ay pinapalayas ng ina ang kanyang dalawang anak at sinabihang tumira na lamang sa boarding house.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang bato na nakabalot sa itim na t- shirt na pag-aari ni Abudi na siyang pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay.
Nabawi din mula sa mga batang suspect ang susi ng kuwarto ng kanilang ina.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang magkapatid na suspect habang nakikipag-ugnayan ang pulisya sa City Social Welfare Development Office para sa pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban kina Abudi at Omar.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
OVER 13,000 CENTRAL LUZON COPS DEPLOYED TO SECURE All SAINTS’ DAY, ALL SOULS’ DAY
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC