INANUNSYO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Lunes na hindi nito babayaran ang $300,000 o humigit-kumulang P17 milyong ransom na hinihiling ng cyber hackers kapalit ng ninakaw na data mula sa kanilang website.
“Definitely po, hindi tayo magbabayad ng ransom,” giit ni PhilHealth Finance Policy Sector spokesperson and Senior Vice President Israel Francis Pargas sa interview ng “24 Oras.”
Sinabi ng PhilHealth na nagsusumikap silang ibalik ang sistema noong Lunes matapos matamaan ng Medusa ransomware.
Ang Ransomware ay isang uri ng virus na maaaring harangan ang pag-access sa isang computer system at maaari lamang alisin sa pamamagitan ng pagbabayad ng ransom.
Mula noon ay isinara na ng PhilHealth online system nito upang masuri ang epekto ng cyberattack at mas pinili ang manu-manong pagproseso ng benepisyo ng mga miyembro nito.
Ayon naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang cyber hackers ay nag-upload ng ilang impormasyon at mga dokumento mula sa PhilHealth sa dark web.
Nag-post din ang mga hacker ng countdown, na nagpapakita na ang Philhealth ay may walong araw lamang upang bayaran ang ransom kung hindi ay ilalabas nila ang data na ninakaw mula sa database nito.
“Parang may proof of life o proof of data kami kasi hindi mo naman makuha itong mga data and memo na ito kung saan kasi internal documents,” ayon kay DICT cybersecurity expert John Patrick Lita.
Nilinaw din ng DICT na hindi nakompromiso ang database ng national health insurance.
“Ang nakuhang personal info ng mga empleyado. Mga internal memo, internal files, work files,” dagdag ng cybersecurity expert.
Sinabi ni Lita na ang grupo ay malubhang banta kaya naman ang mga ahensya ng gobyerno ay dapat mamuhunan para palakasin ang kanilang cybersecurity.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
ESCUDERO HAILS ELECTED BANGSAMORO PARLIAMENT AS MAJOR MILESTONE FOR PEACE, PROGRESS
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA