MATAPOS tanggalin ang floating barrier na inilagay ng Chinese vessels sa Bajo de Masinloc (Scarborough o Panatag Shoal) malapit sa Zambales, nilinaw ng gobyerno ng Pilipinas na hindi ito nagdudulot ng kaguluhan sa South China Sea (SCS).
Ayon kay National Task Force for West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya, itinataguyod lamang ng pamahalaan ng Pilipinas ang interes ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) at pinoprotektahan ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino nang putulin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 300-meter-long floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard (CCG) at Chinese militia vessels sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc.
Ang barrier ay humadlang sa mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa lagoon ng shoal, na naging tradisyonal nilang pangingisda sa loob ng maraming siglo.
“Sabi nila, nagkakagulo tayo. Ang reaksyon natin diyan, hindi. We will within our rights in what we have done in removing that barrier,” pahayag ni Malaya.
Nagbigay din ng reaksyon si Malaya sa pahayag na inilabas ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin noong Setyembre 26 pagkatapos ng pag-alis ng floating barrier sa Bajo de Masinloc.
“Nanawagan kami sa Pilipinas na huwag gumawa ng provocation o gulo,” ayon sa pahayag ni Wang Wenbin.
Sagot naman ni Malaya, umaasa ang pamahalaan ng PIlipinas na “susulong” ang China at mauunawaan kung bakit inalis ng PCG ang harang sa pinagtatalunang shoal.
“Moving forward, sana hindi na lumaki ang tensyon sa sitwasyon at sana maintindihan ng China na ginagawa rin natin ito para protektahan ang karapatan ng ating mga mangingisda,” sagot ni Malaya.
“Maaaring magkaroon ng reaksyon sa hinaharap (mula sa) China at tutugunan na lang natin ang mga iyon as they come and go,” dagdag pa nito.

ZALAMEDA IS NEW SUPREME COURT CHIEF JUSTICE
HOUSE PANEL LAUNCHES PUBLIC CONSULTATIONS ON PROPOSED NEW PARTY-LIST LAW
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE