SINIGURO ng health officials sa Northern Mindanao na walang anumang kaso ng Nipah virus (NiV) sa Cagayan de Oro sa kabila ng dumaraming bilang ng tinatamaan ng lagnat sa mga paaralan sa lungsod.
Ayon kay city health officer Dr. Rachel Dilla, batay sa report ng Department of Health (DOH), wala pang napapaulat na kaso ng Nipah virus sa Cagayan de Oro City.
“Gayunpaman, patuloy pa rin kaming nagsasagawa ng surveillance. Nananawagan kami sa mga paaralan na ireport sa amin ang anumang kaso ng pananakit ng ulo o iba pang sintomas ng trangkaso,” ani Dilla.
Hinikayat niya ang taumbayan na magsuot ng face mask, parating maghugas ng kamay, at magtakip ng bibig tuwing uuubo upang makaiwas sa sakit.
Ang pahayag ng health executive ay sa harap ng kautusan ng ilang eskwelahan sa kanilang mga guro at estudyante na mag-online class na muna bunsod ng tumataas na kaso ng lagnat o flu-like symptoms sa lungsod.
Ayon naman kay DOH-10 officer-in-charge Dr. Elenietta Gamolo, makikipag-ugnayan sila sa Ciity Health Office hinggil sa tumataas na kaso ng nagkakalagnat sa mga eskwelahan sa Cagayan de Oro City.
Ngunit iginiit niyang walang anumang napapaulat na kaso ng NiV sa naturang siyudad.
Ang NiV ay karaniwang naililipat sa tao mula sa hayop. Nahahawa ang tao kung nagkaroon ito ng close contact sa infected na hayop o mula sa body fluids nito.
Unang nadiskubre ang Nipah virus noong 1999 matapos ang outbreak ng sakit sa mga baboy at tao sa Malaysia at Singapore at kamakailan lamang ay sa India na may napaulat na limang kaso.
Ayon naman kay House Deputy Majority Leader Janette Garin ng unang distrito ng Iloilo at dating kalihim ng DOH, hindi na bago ang Pilipinas sa NiV dahil nagkaroon na dito ng kaso noong 2014 na nagmula sa paniki na naisalin sa kabayo at tao subalit nakontrol naman umano nila agad ito.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
OVER 13,000 CENTRAL LUZON COPS DEPLOYED TO SECURE All SAINTS’ DAY, ALL SOULS’ DAY
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC