INALIS ng House of Representatives noong Miyerkules ng gabi ang kontrobersiyal na confidential fund na inilaan para sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) sa panukalang 2024 budget.
Ito ay kinumpirma mismo ni House Appropriations Committee chair Rep. Zaldy Co.
Ayon kay Co, ang OVP at DedEd ay ilan lamang sa ahensiyang inalisan ng confidential at intelligence funds para idagdag sa budget ng mga ahensya ng gobyerno unang tutugon para sa namumuong tensyon sa West Philippine Sea.
“Sa ngayon, iyon ang natukoy namin, ngunit tinitingnan pa rin namin ang iba pang mga mapagkukunan,” ayon sa pahayag ni Co.
Ang ng kongresista ay ang P500-million confidential fund ng OVP at ang P150-million confidential fund ng DepEd.
“Ngayon na ang panahon para bigyan ang ating intelligence community ng paraan para gampanan ang kanilang mga tungkulin, lalo na sa mga panahong ito na nahaharap tayo sa mga seryosong alalahanin sa West Philippine Sea,” paliwanag p ng kongresista.
Ilalaan ang inalis na pondo sa National Intelligence Coordinating Agency, National Security Council, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ito nagkakaisang dinesisyunan ng Lakas-CMD, National Unity Party, PDP-Laban, Nacionalista Party, Nationalist People’s Coalition, at Party-List Coalition Foundation ng Kamara.
Ang hakbang ay bunsod ng paglalagay ng China ng 300 metrong floating barrier sa bahagi ng Bajo de Masinloc na pumigil para makapangisda doon ang mga Piipino.
At base sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tinanggal na PCG ang naturang harang.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
ESCUDERO HAILS ELECTED BANGSAMORO PARLIAMENT AS MAJOR MILESTONE FOR PEACE, PROGRESS
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA