PATAY ang dalawa katao habang sugatan naman ang isa pa sa pamamaril umano ng isang pulis sa Malabon City nitong Miyerkules, Setyembre 27.
Kinilala ang mga nasawi na sina Alexis Gutierrez, 30, at Jay Bacusmo Apas.
Ang suspect ay si Patrolman Zenjo R. Del Rosario, nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ng Malabon City Police Station.
Sugatan naman si Baby O. Tadiamon na tinamaan ng bala sa katawan at kaliwang binti at kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center.
Batay sa report, bigla umanong pumasok sa bahay ni Gutierrez sa Bgy. Acacia, Malabon City ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril umano ito ganap na alas-4:30 ng madaling araw.
Nadamay din ang kasama noon ni Gutierrez na si Apas at ang nasa bahay na si Tadianon.
Nasakote naman ang suspect ng kanyang mga kabaro ilang oras matapos ang krimen. Nakakulong na ito sa jail facility ng Crime Investigation and Detection Group ng Northern Police District
Iniutos na ni National Capital Regional Police Office chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyn sa pangyayari.
Inaalam pa kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang pamamaril.

WOMAN FOUND HOGTIED, DEAD IN MANILA HOTEL ROOM
MMDA ALLOWS PROVINCIAL BUSES ALONG EDSA FOR UNDAS 2025
NO GHOST PROJECTS IN QC FIRST DISTRICT – ATAYDE
LOLO DIES AFTER SAVING GRANDCHILDREN IN MARIKINA FIRE
NBI ARRESTS 7 FOR ILLEGAL PRACTICE OF MEDICINE IN MAKATI
SUSPECT IN MURDER OF BULACAN ABC PRESIDENT CAPTURED IN NAVOTAS
DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA