NI KEVIN GALANG
ISANG preso ang pumuga sa Zambales Provincial Jail sa Bgy. Palanginan sa bayan ng Iba.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ang nakatakas na si Ronnel Rayman, 33, ng Purok 1, Bgy. Bangantalinga, Iba, Zambales.
Agad ipinagbigay alam ni prison guard Ermin Gene Orencia, 50, ng Zone 5, Iba, Zambales sa Zambales police ang pangyayari.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nitong Huwebes, Setyembre 28, pinayagan ng prison guards na sina Freddie Dacanay, Kimberly Español, at Lady Ann Bautista si Rayman at isa pang bilanggo na i-repair ang tumatagas na tubo sa bubong ng kulungan.
Pagkalipas ng ilang minuto, inatasan ni Orencia ang dalawang preso na itigil na ang pagkukumpuni at bumaba na.
Gayunman, sa halip na tumalima, bigla na lamang tumalon si Rayman sa bakod na may alambre patungo sa gusali ng Department of Agrarian Reform at tumakbo patakas.
Agad na nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad sa tumakas na bilanggo.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
OVER 13,000 CENTRAL LUZON COPS DEPLOYED TO SECURE All SAINTS’ DAY, ALL SOULS’ DAY
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC