DAVAO CITY HALL
ANG pamahalaang lokal ng Davao City ay gumastos ng confidential expenses na P2.697 bilyon mula 2016 hanggang 2022.
Batay sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa financial statements ng pamahalaang lungsod na kalakip sa annual audit reports nito, ito ay umaabot sa P385.7 kada taon.
Batay sa mga numero na naitala ng MOOE, ang lungsod ay nagkaroon ng P144 milyon na confidential expenses noong 2016, ang unang kalahati nito ay nasa ilalim ng pamamahala ni dating Mayor Rodrigo Duterte bago siya umupo bilang Pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 30 ng taon ding iyon.
Ang humalili kay dating Pangulong Duterte ay ang kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio, na humawak sa posisyon hanggang Hunyo 30, 2022 bago siya ay nahalal na Bise Presidente ng bansa.
Sa naturan pa rin na datos, noong 2017 ay umabot ang confidential expenses ng lungsod sa P293 milyon o tumaas ng 103.5 porsyento kumpara noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng 2018 MOOE, tumaas ang kaparehong expense item sa P420 milyon o 43.34 percent mula sa nakaraang taon.
Noong 2019, tumaas muli ito sa P460 milyon at nanatili sa halagang iyon para sa 2020, 2021 at 2022.
Ang paghahambing sa MOOE ng iba pang malalaking lungsod ay nagpakita na ang confidential expenses ng Davao City ay mas mataas kumpara sa Makati City, Manila, Quezon City, o Cebu City na lahat ay mas malaki ang kita kaysa sa Davao City.
Noong 2022, ang Cebu City ay mayroonh P7.38 milyon bilang “payment for confidential, intelligence, and extraordinary expenses,” mas mataas ng P1.96 milyon mula sa P5.42 milyon noong 2021.
Ang Quezon City, ang pinakamayamang lungsod sa loob ng tatlong taon, ay nag-ulat ng P100 milyong confidential expenses noong 2021 at P75 milyon noong 2022.
Habang ang Makati, na pangalawa sa pinakamayaman sa mga lungsod sa bansa, ay nag-ulat ng P240 milyong confidential expenses para sa parehong 2021 at 2022.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
ESCUDERO HAILS ELECTED BANGSAMORO PARLIAMENT AS MAJOR MILESTONE FOR PEACE, PROGRESS
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA