SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes ang paghahain ng petisyon laban sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na umano’y sangkot sa vote buying.
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Deputy Executive for Operations Rafael Olaño na sa 40 reklamong sinusuri, ang poll body ay nakahanap ng basehan sa limang disqualification petition.
Sinabi ni Olaño na nakatanggap ang Committee on Vote Buying ng mga reklamo mula sa publiko sa iba’t ibang platform, kabilang ang Facebook at mga mensahe na may mga screenshot o larawan.
“Lahat ng mga reklamong ito ay nanggaling sa mga botante. We verified and evaluated them for possible filing of disqualification cases,” aniya.
Sinabi ni Olaño na isa sa limang kandidatong sumasailalim sa disqualification case ay may kinalaman sa BSK bet na lumalabas sa isang local government unit (LGU) aid distribution, na aniya ay maituturing nang vote buying.
“May mga local government officials, mayors na namamahagi ng relief, pero kung nandoon siya at pinayagang magsalita,” ayon kay Olano.
Ang isa pang kandidato ng BSK ay iniulat na nagsagawa ng pamamahagi ng tulong pinansyal, mula sa kanyang bulsa matapos ang opisyal na paghahain ng kandidatura.
Nauna nang binalaan ng poll body ang mga kandidato ukol sa vote buying at selling, kabilang ang pamamahagi ng mga ballers, t-shirt, cap, at anumang bagay na may halaga.
Sa hiwalay na briefing, pinaalalahanan ni Comelec Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr. ang mga opisyal ng LGU na maging maingat sa mga naturang pagbabawal.
“Kapag ginawa nila iyong mga tulong, hindi nila dapat isama ang mga kandidato ng barangay at SK elections. Kasi ‘yung mga kandidato, kakasuhan ng disqualification,” aniya.
Idinagdag ni Maceda na titingnan ng Comelec ang mga posibleng reinforcement strategies kung magpapatuloy ang mga katulad na pagkakataon habang papalapit ang campaign period.
“Pag-aaralan natin kung paano sila pagsabihan o gagawa ng nararapat na aksyon,” dagdag ni Maceda. Iginiit ni Maceda na ang poll body ay “dead serious” sa disqualification warning nito upang matiyak hindi lamang ang kredibilidad at katapatan ng mga botohan sa BSK kundi para maiangat din ang kalidad ng mga pamantayan ng kampanya sa bansa, gayundin ang halaga ng ang katangian ng lahat ng kandidato sa BSK. Nitong Biyernes, ang Committee on Kontra Bigay ay nagsampa ng limang disqualification cases para sa vote buying, habang ang Task Force Anti-Epal ay naghain ng karagdagang 10 disqualification petition laban sa mga kandidatong sangkot umano sa premature campaigning. Sa pangkalahatan, mayroong 82 na petisyon para sa napaaga na pangangampanya, 5,169 na show cause order, at 1,132 na tugon mula sa BSK bets.

PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
KALINGA BILL TO DELIVER TARGETED AID TO WORKERS, TRANSPORT, FARMERS – SPEAKER DY
KIKO BARZAGA SURRENDERS AFTER MAKATI COURT ISSUES ARREST WARRANT FOR CYBER LIBEL
PRESIDENT MARCOS DOES JUMPING JACKS TO DEBUNK HEALTH RUMORS
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN