MAHIGIT 100 katao ang namatay at hindi bababa sa 500 ang nasugatan matapos ang malalakas na lindol na tumama sa kanlurang Afghanistan noong Sabado, ayon sa ulat ng United Nations.
Iniulat ng United States Geological Survey ang dalawang 6.3 magnitude na lindol, gayundin ang ilang malalakas na aftershocks, malapit sa lungsod ng Herat.
Isa sa mga aftershocks ay may 5.9 magnitude.
Ang unang lindol ay tumama sa 40 km kanluran ng lungsod ng Herat bandang 11 a.m. lokal na oras, ayon sa U.N. Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa Afghanistan.
Naramdaman ito sa mga karatig na lalawigan ng Badghis at Farah.
“Initial assessments indicated that as many as 100 people were killed in eight villages in Zindajan Province, Herat Province … with an additional 500 people injured,” ayon sa UN.
Nakaapekto ang mga lindol sa may 4,200 katao — humigit-kumulang 600 pamilya — sa ngayon, sinabi ng ahensya, na may 465 na bahay ang naiulat na nawasak at 135 ang nasira.
Ang pinakamalubhang naapektuhang nayon ay Mahal Wadakha, ani ng balita.
“Partners and local authorities expect the death toll to rise as search and rescue efforts continue amid reports that some people may be trapped under collapsed buildings,” ayon pa sa U.N. Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa Afghanistan.
Sa naunang pagtaya, sinabi ng Afghanistan National Disaster Management Authority na hindi bababa sa 15 katao ang namatay at 40 ang nasugatan.
Ang ilang mga bahay sa lalawigan ng Herat ay ganap o bahagyang nawasak, sinabi ng Afghanistan National Disaster Management Authority, habang isinasagawa ang rescue operations.

OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
AIR INDIA PLANE CRASH LEAVES 1 SURVIVOR, 241 PASSENGERS DEAD
PRESIDENT MARCOS TO U.S. INVESTORS: PHILIPPINES OPEN FOR BUSINESS
WOMAN FOUND HOGTIED, DEAD IN MANILA HOTEL ROOM
LACSON: GUTEZA NEVER UNDER MARINES’ CUSTODY
MARCOS CAUTIONS VS RUSHING CORRUPTION CASES: BETTER TO GET IT RIGHT