KASALUKUYANG inaalam pa rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na pagdukot sa mga manggagawang Pilipino na umano’y mga militanteng Hamas na naglunsad ng malawakang pag-atake sa Israel.
Sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza na ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ay nakatanggap ng “hindi kumpirmadong ulat” na ilang mga Pilipinong nagtatrabaho malapit sa border ng Israel ay nahuli noong Sabado ng umaga.
“Natanggap ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ang mga hindi kumpirmadong ulat na ito. Bine-verify pa namin sila,” ani Daza.
Samantala, tiniyak ni Daza na lahat ng Filipino agrostudies students sa Israel ay “all accounted for” base sa pinakabagong update.
“Gayunpaman, patuloy naming sinusubaybayan ang sitwasyon. Hiniling namin sa mga awtoridad na i-secure sila,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega na may mga contingency plans at mayroon nang emergency meeting sa embahada upang matiyak ang kaligtasan ng tinatayang 30,000 mga Pilipino sa Israel.
Walang pang iniuulat na Pilipinong nasaktan sa pag- atake.
“Mayroong mga plano sa paglikas kung sakali, ngunit sa ngayon, ayon sa aming ambassador, walang mga Pilipinong nasawi at tinitingnan nila sa komunidad ng mga Pilipino kung paano sila,” aniya sa isang panayam ng ANC noong Sabado.
Nag-set up ang Department of Migrant Workers ng 24/7 Task Force Israel Desk para sa mga Pilipino sa Israel, na maaaring tawagan sa +63 2 1348 o sa pamamagitan ng WhatsApp at Viber +63 9083268344, +63 9271478186, o +63 9205171059.

OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
AIR INDIA PLANE CRASH LEAVES 1 SURVIVOR, 241 PASSENGERS DEAD
LGU’S RECEIVE BENGUET VEGGIES
5 GRADE SCHOOL PUPILS DROWN IN POND IN MARAWI
‘PAIHI GANG’ BUSTED IN AGUSAN
3 GOLD BUYERS LOSE P3.3-M TO ROBBERS IN TARLAC