NAGDEKLARA ng walang face-to-face classes ngayong Lunes, Oktubre 9, ang ilang mga bayan sa Batangas dahil sa vog.
Nagpasya ang ilang mga alkalde sa Batangas na suspindihin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko o pribadong paaralan para na rin sa kaligtasan ng kalusugan ng mga mag-aaral at guro.
Kabilang sa mga nagsuspindi ang mga lugar ng Agoncillo, Alitagtag, Batangas City, Bauan, Calaca City, Balete, Calatagan, Cuenca, Lemery, Lian, Lobo, Malvar, Mataasnakahoy, Nasugbu, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Lui, San Pascual, Taal, Tanauan City, Taysan, at Talisay.
Inatasan ng Batangas City LGU ang lahat ng antas sa mga paaralan sa siyudad na mag-shift na lang muna sa online o modular learning.
Nag-anunsiyo na rin na walang face-to face classes ngayong Lunes ang Calamba City sa Laguna.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Nitong nakaraang Oktubre 6, nakapagtala ang bulkan ng kabuuang average na 2,887 tons per day na sulfur dioxide (SO2) emission.
Magmula nang unang linggo ng Setyembre ay nakararanas na ng vog sa paligid ng bulkan.
Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na umiwas muna sa paglabas ng bahay at kung hindi makaiwas ay tiyaking magsuot ng face mask.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES