NAG-ANUNSYO ang Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes na ang paglalakbay sa Israel ay ipinagpaliban nang “walang katiyakan” habang papasok sa ikatlong araw ang digmaan sa pagitan ng pwersa ng Israel at ng Hamas group.
Ang pagpapaliban ng lahat ng paglalakbay mula sa Pilipinas patungo sa Israel, ayon sa DFA, nay dahil sa “volatile na seguridad” doon at mananatili “hanggang sa oras na ang sitwasyon ay maging matatag.”
Sa pinakahuling pahayag, sinabi ng DFA na tumaas din mula anim hanggang pito ang bilang ng mga Pilipinong nawawala mula nang magsimula ang sigalot.
“Pito ang nananatiling hindi nakilala at hindi makontak sa pamamagitan ng kanilang mga mobile number at social media accounts,” ani DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.
“Ang Embahada ng Pilipinas (sa Israel) ay walang tigil na nakikipagtulungan sa mga awtoridad sa seguridad ng Israel at mga contact sa komunidad upang alamin ang kanilang kalagayan. Patuloy kaming naghihintay ng feedback mula sa kanila,” dagdag niya.
Isa sa mga nawawala ay isang lalaking Pilipino na ang asawa ay nauna nang nakipag-ugnayan sa Philippines Embassy sa Israel at sinabing nakilala niya ito sa isang video na kumakalat sa social media kung saan makikita ang isang lalaki na hawak ng mga armadong indibidwal.
“(The Embassy) cannot independently verify his identity based on the video alone but considers the report of the wife as compelling. The Embassy is also working with community contacts on his case,” ani Daza.
Ayon pa sa DFA, 25 Pilipino ang mga unang nagpahiwatig ng kanilang intensyon na umalis sa Gaza.
May kabuuang 137 Pilipino sa Gaza, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Embassy sa Jordan na may hurisdiksyon sa Gaza.
Noong Oktubre 8, binuksan ng Embahada ang Emergency Management Team (EMT) nito dahil sa “tumataas na karahasan at kriminalidad” sa lugar.
“Inuulit namin ang aming paalala para sa mga Pilipino sa Gaza na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga hakbang sa kaligtasan at sumilong sa pinakamalapit na magagamit na protektadong lugar dahil sa dumaraming karahasan na nagbabanta sa kanilang seguridad,” ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.
Ang mga Filipino na maaaring mangailangan ng tulong ay hinihiling na makipag-ugnayan sa Embahada sa ATN Hotlines: +962-7-7907-7775 at 7-7907-7778.
Matatandaang nagdeklara ang Israel ng “state of war” at binomba ang Gaza matapos magsagawa ng sorpresang pag-atake ang grupong Hamas noong Sabado.

CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
KALINGA BILL TO DELIVER TARGETED AID TO WORKERS, TRANSPORT, FARMERS – SPEAKER DY
KIKO BARZAGA SURRENDERS AFTER MAKATI COURT ISSUES ARREST WARRANT FOR CYBER LIBEL
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK