DALAWANG witnesses ang iniurong na ang kanilang mga testimonya sa ikatlong drug case laban kay dating senadora Leila De Lima.
Ayon sa ulat, ang dating pulis na si Rodolfo Magleo, ang nag-akusa kay De Lima ng umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade ng dating high-profile inmate na si Jaybee Sebastian, at isa pang saksi na si Nonilo Arile, ay nagsiiatras na dahil “binabagabag na umano sila ng kanilang konsensiya.”
“We are bothered by our conscience. We do not want you to be victim of mistrial. We will reveal in due time. We are assuring you all that the last case will be dismissed,” pahayag ng dalawa sa kanilang sulat na naka–address kay De Lima at may petsang Oktubre 12, 2023.
Humiling sila sa dating senadora na padalahan sila ng mga abogado upang maisapormal ang kanilang desisyon ng pag-atras .
Ayon pa sa dalawang saksi noong pang 2018 nila gustong magpahayag ng pag-atras sa pagtestigo subalit hindi nila nagawa dahil sa anila ay “impossibility of communication.”
Sinabi pa ng dalawa na limang iba pang witnesses ang aatras na rin sa kanilang mga naunang testimonya.
Si De Lima ay nakulong noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.
Tatlong kaso ang isinampa laban sa dating senadora kung saan dalawa sa mga ito ay napawalang sala na siya.
Ang dating senadora ay nakakulong ngayon sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
DOT, DMW, INTRAMUROS ADMINISTRATION LAUNCH ‘PASYAL PAMILYA’ PROGRAM FOR OFWs
19,000 NURSING, ALLIED HEALTH SCIENCES STUDENTS TO GET P25K RLE FINANCIAL AID — BAM
SENATOR CALLS FOR P1,500 MONTHLY SUBSIDY FOR 5M MINIMUM WAGE EARNERS
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA