Photo Courtesy: Daniel Ombina / Pampanga PIO
DUMATING na sa bansa nitong Sabado, Oktubre 21, ang labi ng Pinay caregiver na hinalay at pinatay sa Amman, Jordan, ayon sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ang labi ng 34-anyos na si Mary Grace Santos ay sinalubong ng kanyang ina at mga opisyal mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA).
Nangako naman and DMWna tutulong ito na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Santos.
Si Santos ay iniulat na nawawala noong Oktubre 11.
Hiningi ng pamilya ang tulong ng DMW na agad namang nakipag-ugnayan sa Migrant Workers Office sa Amman, Jordan noong Oktubre 12.
Natagpuan ang bangkay ni Santos sa basement ng building kung saan ito nagtatrabaho.
Sa ginawang awtopsiya, lumalabas na pinatay ito sa sakal.
Ang single mom na si Santos na may dalawang anak ay walong taon na nagtrabaho sa Jordan bilang caregiver.
Sa ulat ng pulisya sa Jordan, ni-rape muna si Santos saka ito pinatay sa sakal at isinilid sa diesel tank sa basement ng bahay ng kanyang amo.
Arestado naman ang Egyptian suspect na menor de edad na anak na katrabaho ng biktima.
Dahil menor pa ang suspect, mananatili muna ito sa kulngan ng dalawa pang taon bago ipatupad ang parusang bitay.
Sinasabing matagal na umanong may gusto ang suspect sa biktima.
Pumasok umano ang suspect sa bahay ng amo ng biktima at sinabing rerelyebo sa tatay nito na hardinero na hindi makakapasok dahil may sakit.
Dito na umano isinakatuparan ng suspect ang masamang balak kay Santos.
Samantala, sinabi ni DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na katulong ang Overseas Workers Welfare and Administration (OWWA) ay pinoproseso na ang mga benepisyo na maaaring tanggapin ng naiwang pamilya ng biktima.

GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
DOT, DMW, INTRAMUROS ADMINISTRATION LAUNCH ‘PASYAL PAMILYA’ PROGRAM FOR OFWs
19,000 NURSING, ALLIED HEALTH SCIENCES STUDENTS TO GET P25K RLE FINANCIAL AID — BAM
SENATOR CALLS FOR P1,500 MONTHLY SUBSIDY FOR 5M MINIMUM WAGE EARNERS
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA