PATAY ang lima katao makaraang gumuho ang bahagi ng bundok sa Sitio Angelo, Bgy. Umiray, General Nakar, Quezon Martes ng gabi, Oktubre 24.
Kiniala ni General Nakar Mayor Eliseo “Esee”Rusol ang apat sa mga bktima na sina Ramel M. Binalao, Sherly Delos Angeles, Jonathan Delos Angeles at Dionely Datario.
Patuloy na inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng panglimang nasawi sa trahedya.
Ayon sa alkalde, gumuho ang lupa sa lugar bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa tri-boundary ng General Nakar at Doña Aurora Trinidad sa Bulacan, at Aurora province.
Sa tulong ng mga residente at mga rumespondeng sundalo ay nagawang makuha ang katawan ng limang biktima.
Pinangangambahang may iba pang natabunan ng lupa ang kinakailangan pang iligtas habang patuloy pa rin ang paghuhukay sa lugar katuwang ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (QPDRRMO).
Isang black hawk helicopter ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang naghintay na umayos ang panahon bago naibiyahe ang mga bangkay patungo sa headquarters ng 2nd ID sa Tanay, Rizal kung saan naghihintay ang mga kaanak ng mga biktima.
Ang Sitio Angelo ay nasa loob ng Sierra Madre mountains at ang lugar ay maaari lamang marating sa loob ng dalawang araw na paglalakad.
Agad namang nagpahatid ng tulong si Quezon Gov. “Doktora Helen” Tan sa mga naulilang pamilya.
Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng food packs para sa mga naapektuhang residente.

5 POLICE COUPLES EXCHANGE VOWS IN PRO3 MASS WEDDING 2025
COPS ARREST 3 FOR ILLEGAL FIRECRACKER PRODUCTION IN BULACAN
ATENEO TO OPEN NEW CAMPUS IN CAVITE
COORDINATED OPERATIONS NET WANTED FELONS, DRUGS SUSPECTS IN PAMPANGA
OVER 12,000 COPS, VOLUNTEERS DEPLOYED IN CENTRAL LUZON TO SECURE ‘UNDAS 2025’
SLAIN COP GETS JUSTICE AFTER 28 YEARS
PRESIDENT MARCOS TO U.S. INVESTORS: PHILIPPINES OPEN FOR BUSINESS
WOMAN FOUND HOGTIED, DEAD IN MANILA HOTEL ROOM
LACSON: GUTEZA NEVER UNDER MARINES’ CUSTODY
MARCOS CAUTIONS VS RUSHING CORRUPTION CASES: BETTER TO GET IT RIGHT