
NAGBABALIK sa limelight ang Pinoy international classical pianist na si Nick Nangit.
Passion ni Nangit ang pagtugtog ng piano, pero naisantabi niya ang hilig dahil nag-full time siya bilang isang de-kampanilyang abogado.
Pero sadyang hinahanap-hanap pa rin niya ang pagtipa ng mga nota sa piano.
Kaya sinet-aside muna ang mga kinakaharap sa kaso at nagbalik siya sa kanyang first love — ang pagiging passionate pianist.
Kamakailan, nagkaroon si Atty. Nick ng free concert — a fusion of art and music aptly entitled “Timeless.”
Ginanap ang free piano concert ni Atty. Nick last October 28 sa Manila Clock Tower Museum sa Manila City Hall.
Dahil nasabik ang mga kaibigan at mga taong nagmamahal kay Atty. Nick na makita siyang muli mag-piano, hindi niya sukat-akalain na dudumugin ang kanyang free concert.
Napuno ang venue na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad sa pangunguna ng ambassador ng Thailand.
Sinaksihan din ito ng ilang press people at ng “Nicksters.”
Ang husay ni Nick sa pagpi-piano ay sinasaliwan ng Metro East Chamber Orchestra.
Nagsilbing front act si Ranco na inakampanyahan ng isang violinist.
Naging special guests/poem readers sina Harlene Bautista, Peter Serrano, Bea Robles, Ramona Marie Lazarraga na siya ring naging host ng concert.
Ilan lang sa piano pieces ang “No Other Love,” “Sana’y Wala Nang Wakas,” “Beauty and the Beast,” “Remember Me” at iba pa timeless pieces.
Standing ovation ang bawat performance niya.
Marami pang kasunod na concert si Atty. Nick sa 2024 na ang isa ay posibleng ganapin sa February.