HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag nang magdala ng mga paslit sa sementeryo ngayong Undas upang makaiwas sa anumang sakuna o sakit kasabay ng pagdagsa ng mga taong dadalaw sa mga namayapang mahal sa buhay.
“Pinapayuhan ko ang mga magulang na huwag nang isama ang kanilang mga maliliit na anak sa pagpunta sa sementeryo dahil sa dami ng tao o baka sa sobrang init o biglang umulan ay baka makapulot pa ang mga ito ng sakit,” ani Health Secretary Teodoro Herbosa.
Bagaman aniya walang pagbabago sa kaso ng Covid-19 sa buong bansa, nandiyan pa rin ang banta ng nasabing sakit.
Mayroon pa rin aniyang pasulput-sulpot na kaso at sa ilang rehiyon ay tumataas pa ang tinatamaan ng Covid-19, sinabi ni Herbosa na mahina ang resistensya ng mga bata sa impeksiyon.
Binalaan din niya ang taumbayan sa pagbili sa mga ambulant vendor sa loob at labas ng sementeryo gaya ng mangga, sandwich, fruit juices at iba pang pagkain.
Sinabi niyang baka ang mga ito ay kontaminado at maaring magkompromiso sa kalusugan ng bibili.
Mahalaga aniya ay pagplanuhan ang pagdalaw sa mga namayapang mahal sa buhay at magdala ng sariling tubig at pagkain para matiyak ang kaligtasan.

ZALAMEDA IS NEW SUPREME COURT CHIEF JUSTICE
HOUSE PANEL LAUNCHES PUBLIC CONSULTATIONS ON PROPOSED NEW PARTY-LIST LAW
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE