PINATALSIK sa pwesto ang hepe ng pulisya ng Pasay City at iba pang police officers sa harap ng isinasagawang imbestigasyon hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa lungsod na sinalakay ng mga awtoridad noong nagdaang buwan dahil sa umano’y human trafficking at iba pang ilegal na aktibidad.
Sina Pasay City Police Director Col. Froilan Uy, Substation Commander Capt. Criz Antonio Cataluña, at 25 iba pang police non-commissioned officers ay nahaharap sa pagsisiyasat sa posibilidad ng pagpapabaya sa tungkulin, ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame, Quezon City nitong Biyernes.
Ayon kay Fajardo, si Col. Mario Mayanes ang mauupong Pasay chief of police kapalit ni Uy habang si Cataluña ay papalitan ni Maj. Christel Carlo Villanueva.
“Kung matagal na pong nage-exist itong POGO na ito at may mga illegal activities po, remember mayroon po sa policy po ng PNP ‘yung one-strike policy. Kung mayroong nangyayari diyan within your knowledge at wala kang ginawa, then you will be charged for neglect of duty,” ani Fajardo.
Matatandaang noong Oktubre 27, sinalakay ng task force sa panguguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Department of Justice ang isang POGO hub na nag-ooperate sa loob ng isang anim na palapag na gusali sa Williams Street, Pasay City.
Nadiskubre sa establisimiyento ang siyam na kuwartong KTV area, isang pharmacy na may doktor at dalawang kama ng pasyente, isang restaurant, isang hotpot “shabu-shabu” area, at siyam na vault ng pera.
Una nang sinabi ng PAOCC na maraming ebidensiya na nagtuturo ng nagaganap na sex trafficking sa lugar.

P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA
63 NABBED IN ONLINE INVESTMENT SCAM HUB RAID IN PASIG
MANPOWER AGENCY IN MANILA CLOSED FOR ALLEGED ILLEGAL RECRUITMENT
NAVOTAS LANDFILL FIRE FULLY EXTINGUISHED – PRESIDENT MARCOS
11 NCR COPS AXED OVER ABDUCTION OPERATIONS
5 NABBED FOR ILLEGAL NOTARY IN MANILA
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO