MALAGIM na trahedya ang sinapit ng apat na kabataan makaraang sumalpok at pumailalim sa likuran ng isang delivery truck and kanilang sinasakyang kotse sa Antipolo City, Rizal Lunes ng madaling araw, Nobyembre 6, 2023.
Kinilala ni Antipolo police chief Lt. Col. Ryan Manongdo ang mga nasawi na sina Juanito Magsino 22; Kidrock John Magsino, 21; Ireneo Balmonte, 22; at Lawrence Ivan Jose, 21.
Nagyari ang road crash sa Marcos Highway, Antipolo City ganap na alas-3:30 ng madaling araw ng Lunes.
Sakay ng Honda City (WJW 929) ang mga biktima nang sumalpok sa likuran ng isang delivery truck na minamaneho ni Glenn Cerino Gumban sa westbound area ng Marcos highway.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na matulin ang takbo ng kotse base na rin sa skid mark ng gulong sa kalsada.
Wasak ang kotse at namatay doon din ang apat na kabataang sakay nito.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES