CTTO
INANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Huwebes na magpapatupad sila ng pagtataas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Meralco, tataas ng P0.23 kada kilowatt hour ang dagdag-singil sa kuryente.
Nangangahulugan ito ng ₱47 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang nakakakonsumo ng 200kwh na kuryente kada buwan.
Sa mga komukonsumo naman ng 300kwh kada buwan ay ₱70 ang dagdag na babayaran habang P94 sa nakakagamit ng 400kwh bawat buwan.
Anang Meralco, ang nakakakonsumo ng 500kwh kada buwan ay magkakaroon ng ₱117 dagdag singil sa kuryente.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang isang tipikal na tahanan ay kakailanganing magbayad ng ₱12.0545 kada kwh para sa nakonsumong kuryente mula sa dating ₱11.8198 kada kwh noong Oktubre.
Ang pagtaas umanong ito sa kanilang singil ay bunsod na rin ng pagtaas ng singil sa transmission at generation.
Napag-alaman na ang transmission charges ay tumaas ng ₱0.1211 kada kwh dahil sa mas mataas na ancillary service charges ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa pag-regulate ng reserba.
Samantala, ang generation charge naman ay tumaas rin sa ₱7.1938 kada kwh mula sa dating ₱7.1267 kada kwh noong Oktubre. Ito ay dahil sa mas mataas na singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at independent power producers (IPPs).
Ipinaliwanag naman ng Meralco na mas mataas pa sana ang magiging pagtaas ng generation charges kung hindi lamang ito napagaan nang pagbaba ng power supply agreement (PSA) charges.
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na nagtaas ng singil sa kuryente ang Meralco makaraan ang dalawang sunod na buwan na nagpatupad ito ng rate reductions o bawas singil.

INTERPOL ISSUES RED NOTICE VS ATONG ANG
ZALDY CO ARRESTED IN PRAGUE, CZECH REPUBLIC
CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES