NAG-MATCH ang resulta ng DNA sa mga hibla ng buhok at dugo na nakuha mula sa abandonadong SUV sa mga sample na ibinigay naman ng pamilya ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.
“Forensic evidence like ‘yung strands of hair at swab of blood na narecover natin doon sa Honda CRV na allegedly ginamit ng mga suspect na pinaglipatan ng katawan ni Miss Camilon ay nag-match doon sa pamilya, ani Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr..
Lumilitaw umano na nagsasabi ng totoo ang mga witness.
“‘Yung mga witness natin ay hindi nagsisinungaling. There is a corroborative evidence na talagang nakita nilang ang babae na binubuhat ng mga suspect ay certainly si Ms. Camilon,” ani Caramat.
Base sa naging resulta ay lalo umanong bumigat ang kaso laban sa mga suspect.
Matatandaang dalawang saksi ang lumutang at sinabing nakita nilang inilipat ng tatlong lalaki ang beauty queen mula sa sasakyan nito na Nissan Jukes papunta sa kulay pulang Honda CRV.
Nauna nang kinasuhan ng PNP ng kidnapping at serious illegal detention ang mga suspect na sina Maj. Allan de Castro, driver at bodyguard nitong si Jeffrey Magpantay at dalawa pang indibiduwal.
Kamakailan ay inamin ni De Castro ang bawal na relasyon kay Camilon.
Ayon sa CIDG, nananatiling missing pa rin ang beauty-queen teacher.
Ang Miss Grand Philippines 2023 candidate ay iniulat na nawawala mula pa noong Oktubre 12, 2023.

STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
PNP-CIDG, NBI FAIL TO FIND ICC-WANTED DELA ROSA IN ANGELES CITY
OVER 200 WANTED MEN JAILED IN WEEKLONG INTENSIFIED ANTI-CRIME OPERATIONS IN CENTRAL LUZON
9-STOREY BUILDING IN ANGELES COLLAPSES; MALAYSIAN DEAD, 23 MISSING
FIRE LEAVES ELDERLY COUPLE DEAD IN BULACAN
VEHICLE STOPPED AT LUBAO CHECKPOINT YIELDS ILLEGAL CIGARETTES
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO