MAKALIPAS ang mahigit 11-taon ng pagiging magkarelasyon, kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila.
Sa Instagram post ngayong Huwebes, Nobyembre 30, 2023, pinatotohanan ni Kathryn ang matagal nang bulungbulungan na break na sila ni Daniel.
“Chapter closed,” ani Kathryn sa kanyang post.
“I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore.
“Thank you for understanding,” saad pa niya.
Ilang araw nang maugong ang hiwalayan ng magka-loveteam ngunit ngayong Huwebes ng hapon lamang nila ito kinumpirma.
Naging emosyonal rin ang post ni Daniel sa Instagram na nagsabing lagi niyang babaunin ang kanilang alaala sa kanyang puso at magiging liwanag sa madidilim niyang araw.
“Bal, ang pagmamahal ko sa ‘yo ay walang hanggan at walang katapusan,” ani Daniel.
Pinayuhan ng ilang mga mamamahayag ang KathNiel fans na tanggapin nang hiwalay na ang kanilang mga idolo.
Wala namang ibinigay na dahilan ang dalawa kung bakit sila naghiwalay.

SM MALLS HOST BTS ARMY CELEBRATIONS
LEA SALONGA CONFIRMS SEPARATION FROM HUSBAND ROBERT CHIEN
LAWMAKER URGES PUBLIC TO WATCH ‘I’MPERFECT’
LOINIE EXPECTING FIRST BABY
‘I’M PERFECT’ MAKES HISTORY AT MMFF 2025
POKWANG APOLOGIZES FOR BROTHER WHO SLAPPED MAN WITH CART IN ANTIPOLO
YOUNG MAN SHOT DEAD IN ECIJA HOME
MOTORCYCLE-TANKER SMASHUP LEAVES 2 DEAD IN PAMPANGA
11 NCR COPS AXED OVER ABDUCTION OPERATIONS
11 POLICE OFFICIALS IN PANGASINAN, 3 IN LAGUNA RELIEVED OVER ‘UNDERPERFORMANCE’