KALAYAAN ang maagang naging pamasko para sa mahigit 100 dating bilanggo ng Manila City Jail (MCJ).
Nitong Biyernes, Disyembre 8, 2023, 141 inmates sa MCJ ang pinalaya na matapos magpakita ng magandang asal sa loob ng kulungan.
Karamihan sa mga pinalayang persons deprived of liberty (PDLs) ay nasangkot sa kasong paglabag sa Section 11 ng Dangerous Drugs Act o may kaugnayan sa 50 gramo ng shabu.
Kabilang sa mga pinalaya ay si Mariano Geronimo na sinalubong ng kanyang asawa paglabas nito ng kulungan.
“Napakasarap po ng pakiramdam sa paglaya, masayang masaya po,” ani Geronimo.
“Minsan lang po ito, hindi na po ito mauulit, magbabagong buhay na po,” dagdag pa nito.
Ayon kay MCJ Male Dorm warden Jail Supt. Lino Soriano, ang mga pinalayang PDLs ay pawang benepisyaryo ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na isa sa mga programa ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) upang bigyang pabuya ang mga inmate na nagpakita ng mabuting pagbabago.
Si Soriano, na nagmistulang Santa Claus sa mga PDL, ay nagwikang ang pagpapalaya ay bahagi ng Project LINO o “Layang Inaasam sa Napapanahong Okasyon.”
Ani Soriano, ang pagpapalaya sa mga PDL ay naaayon na rin sa ispiritu ng Kapaskuhan.
Idinagdag pa nito na ang Project LINO ay layong mahikayat ang mga PDL na aktibong makilahok sa mga programa sa kulungan.
Ayon pa kay Soriano, kabilang sa kanilang minonitor ay ang pagpapakita ng mga PDL ng pagnanais na magbagong buhay.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE
COPS RESCUE TWIN BABIES SOLD FOR P30K
4 PAF PILOTS DIE IN BATANGAS AIR MISHAP
BOMB THREAT HITS UST
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA