BAWAL ang pagbati ng Merry Christmas ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang airports sa bansa.
Ipinaalala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ito at matagal nang kautusan ng Kagawaran upang makaiwas sa impresyon na ang empleyado ay nanghihingi ng tip o papasko sa mga pasahero.
Gayunman, sinabi ni Tansingco na maaaring sa ilang pagkakataaon ay hindi ito maiiwasan lalo na kung ang pasahero ang unang babati ng Merry Christmas dahil kultura na umano itong nakasanayan ng mga Pilipino.
Depende na umano ang pagbati ng opisyal o empleyado sa siwtasyon, intensiyon o tono ng pagbati.
“Pag binati ka ng pasahero, Merry Christmas, alangan naman hindi mo pansinin ‘yun. Magsabi ka ng Merry Christmas too. Welcome to the Philippines,” wika ni Tansingco.

TACLOBAN SCHOOL SHOOTING LEAVES 3 DEAD, 7 WOUNDED
2 ACTIVE-DUTY COPS ARRESTED FOR RAPE, DOMESTIC ABUSE CHARGES
FIRE HITS 30-STOREY CONDO IN QC
24 FILIPINOS DETAINED IN RUSSIA TO FLY HOME AFTER PBBM-PUTIN BILATERAL TALKS
GATCHALIAN ELECTED AS NEW SENATE PRESIDENT
SENATE TIGHTENS SECURITY AHEAD OF VP SARA IMPEACHMENT TRIAL
6-YEAR-OLD GIRL FOUND DEAD IN TARLAC FARM LOT
ESCUDERO PROPOSES FDA FUNCTIONS TRANSFER