SAMPUNG armadong lalaki ang sapilitan umanong pumasok sa tahanan ni Land and Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III sa Dagupan City, Pangasinan, ayon sa pahayag ng transport official nitong Huwebes, Disyembre 14, 2023.
Sa isang pahayag, sinabi ni Guadiz na hanggang ngayon ay may trauma pa ang kanyang 91-anyos na ina dahil sa pangyayari noong Miyerkules. “While this incident has shaken our family, I remain committed to my responsibilities at the LTFRB, and I am confident that justice will be served. Updates on the investigation will be provided as they become available,” anang LTFRB chief.
“It seems personal, and the motive remains unclear,” dagdag pa nito.
Naniniwala si Guadiz na hindi lamang pagnanakaw ang motibo ng mga suspect.
Anang LTFRB official, ang sampung lalaki ay lulan ng tatlong sasakyan.
Dalawa umano sa mga ito ay armado nang pasukin ang bahay ni Guadiz sa Bgy. Pogo Chico sa Dagupan City.
Tanging ang ina ni Guadiz at isang katulong lamang ang nasa bahay noon nang biglang pumasok sa gate ang mga suspect at nagsabing may ibibigay lamang silang regalo.
Hinahanap umano ng mga ito ang isang Teofilo “Jojo” Guadiz.
Tinalian umano ng mga suspect ang katulong at hinalughog ang mga kwarto saka tumakas.
Ligtas naman ang mga biktima subalit tinangay ng mga suspect pagtakas ang cellphone at P1,000 cash ng katulong.
Ayon sa mga saksi, tumakas ang mga suspect patungo sa direksiyon ng Bgy. Malued at Calasiao sa Pangasinan.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang pangyayari.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC