CTTO
NAAKSIDENTE ang aktres na si Sarah Lahbati kasama ang kanyang pamilya habang binabagtas ang Skyway ngayong Biyernes, Disyembre 15, 2023.
Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ng asawa ni Richard Gutierrez na biniyan sila ng pangalawang pagkakataon na mabuhay.
Sangkot din sa aksidente ang dalawa pang sasakyan.
“Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture,” ani Sarah sa kanyang post sa Instagram.
“All you have to do is take a step back and let Him guide you,” saad pa niya.
“We were involved in an accident on the Skyway. Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay,” dagdag pa ng manugang ni Annabelle Rama.
Sinabi ng aktres na sinulat niya ang mensahe hindi para sila kaawaaan kungdi upang ihayag na ngayon taon ang pinakamatinding panahon ng kanyang buhay.
Anang aktres, ipinaalala ng pangyayari ang kabutihan ng Panginoon, ang pangalawang pagkakataon, at ang pangako ng buhay.
Hindi naman tinukoy ni Sarah kung sino ang mga kasama niya nang mangyari ang aksidente.
“La vie est belle. Life goes on,” pagtatapos ng aktres sa kanyang post.
Sentro ng kontrobersiya ngayon si Sarah dahil sa kumakalat na balitang hiwalay na sila ng asawang si Richard. Gayunman, hindi pa kinukumpirma o dinedeny ng mag-asawa ang balitang ito.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE
COPS RESCUE TWIN BABIES SOLD FOR P30K
4 PAF PILOTS DIE IN BATANGAS AIR MISHAP
DILG OFFERS P50-M REWARD FOR ARREST OF SEN. ‘BATO’ DELA ROSA
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA