ISANG 5-anyos na bata ang nasawi makaraang paglaruan ang isang galon ng alcohol sa Ilocos Norte.
Ang bata, na hindi na binanggit ang pangalan, ay residente mg Banna, Ilocos Norte.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naglaro ang paslit kasama ang isa pang kapatid sa likod ng kanilang bahay.
Inihagis umano ng magkapatid ang isang galon ng alcohol at sinindihan na naging sanhi ng pagsabog.
Nagtamo ang paslit ng matinding lapnos sa tiyan at hita na kanyang ikinamatay.
Nakaligtas naman sa pangyayari ang kapatid ng biktima.
Nilapatan ng paunang lunas ng mga magulang ang biktima ngunit hindi na ito dinala sa ospital.
Kinaumagahan, nagsimulang magsuka ang biktima at isinugod ito sa ospital kung saan ito idineklarang dead- on-arrival.

412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE
FAMILY OF 5 KILLED IN PANGASINAN FIRECRACKER FACTORY BLAST
ZALAMEDA IS NEW SUPREME COURT CHIEF JUSTICE