PATULOY ang pagtaas ng seismic activities ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga naninirahan malapit sa bulkan na maging alerto sa posibilidad ng pagdaloy ng lahar.
Sinabi ng ahensya na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer (km) radius permanent danger zone ng bulkan.
Kinakailangan rin aniya na maging mapagmatyag ang mga residenteng malapit sa 2-km extended danger zone.
Ayon sa Phivolcs, patuloy na nakapagtatala ang ahenya ng pagtaas ng siesmic activities sa Bulkang Bulusan.
Maaari umanong bunsod ito ng nagaganap na hydrothermal processes sa ilalim ng bulkan na posibleng humantong sa steam-driven eruptions.
Ayon sa ahensya, aabot sa 116 na mga pagyanig ang naitala sa naturang bulkan simula pa noong Disyembre 29, 2023.
Sa nasabing bilang, 110 ay nauugnay sa pagkawasak ng mga bato sa timog na bahagi ng dalisdis ng bulkan.
Anim naman sa pagyanig ay maituturing na low frequency volcanic earthquakes na may kaugnayan sa paggalaw ng volcanic fluids.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang pamamaga sa southwestern at southeastern na bunganga ng naturang bulkan ay namataan simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.
Ang volcanic degassing naman umano mula sa bunganga ng bulkan ay napakahina hanggang sa katamtaman.
Kaugnay nito, ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa ibinubugang abo nito hatid ng phreatic eruption na maaari namang makapinsala sa sasakyang panghimpapawid.
Pinag-iingat din ang mga residente malapit sa mga ilog o batis dahil sa posibleng pag-agos ng lahar.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang alert level 1 sa Bulkang Bulusan.

UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA
PRO3 TOP COP WARNS MEN ON MISUSE OF VEHICLES UNDER POLICE CUSTODY
GUN ATTACK LEAVES ELDERLY MAN DEAD, BOY WOUNDED IN PAMPANGA
OVER 13,000 CENTRAL LUZON COPS DEPLOYED TO SECURE All SAINTS’ DAY, ALL SOULS’ DAY
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC