IPINAALALA ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo sa Maynila sa publiko na hindi maaaring makaakyat ang mga deboto sa andas ng Nazareno sa gaganaping Traslacion ngayong taong ito.
Sinabi ni Fr. Hans Magdurulang, tagapagsalita ng Nazareno 2024, na may pagbabago sa bagong andas na gagamitin sa Pista ng Nazareno sa Enero 9, 2024.
Ayon sa kanya, ang andas na gagamitin sa prusisyon ay mayroon nang salamin at ang Nazareno lamang ang makikita sa ibabaw ng andas.
Gayunman, may pagkakataon pa rin aniya ang mga deboto na nagbabato ng bimpo para maipahid sa Poong Nazareno.
Anang lider simbahan, mayroong walong hijos sa ibabaw na gagawa nito para sa kanila pero nasa labas lamang ang mga ito ng salamin at halos ulo lamang nila ang kita sa ibabaw ng andas para higit pa ring makita ang imahen ng Nazareno.
Pinaalalahanan din ng pari ang mga lalahok na deboto sa araw ng Traslacion na bawal magdala ng bag bilang bahagi ng pag-iingat.
Pinagdadala naman ang mga deboto ng face mask at alcohol dahil sa banta pa rin ng Covid-19 at iba pang sakit.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
ESCUDERO HAILS ELECTED BANGSAMORO PARLIAMENT AS MAJOR MILESTONE FOR PEACE, PROGRESS
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA