NGAYONG ARAW, Enero 6, 2024, ang pagsisimula ng Pahalik sa Mahal na Poong Itim na Nazareno na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ayon sa Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene, ngayong Enero 6 sa ganap na alas-6 ng gabi isasagawa ang misa para sa volunteers ng Nazareno 2024 na susundan ng pagbubukas sa Pahalik sa alas-7 ng gabi.
Magpapatuloy ang Pahalik hanggang Enero 8.
Sa Enero 8 ng alas-5:30 ng hapon isasagawa ang Panalangin sa Takipsilim na susundan ng vigil at ilang palatuntunan sa alas-6 ng gabi.
Magsisimula ang Fiesta Mass sa Enero 8 ng alas-3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi habang sa Enero 9 ng hatinggabi isasagawa ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand na pamumunuan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Susundan ito ng prusisyon ng imahe ng Poong Nareno pabalik sa dambana ng Basilica.
IMAHE ILALAGAY SA GLASS CASE
Bagamat ibabalik ang tradisyunal na prusisyon ay natatangi ito ngayong 2024 sapagkat ilalagay sa glass case ang imahe upang mabigyang proteksyon at magkaroon ng pagkakataon ang mga debotong makita ito habang ipinuprusisyon.
Tema ng Nazareno 2024 ang “Ibig naming makita si Hesus” na hango sa ebanghelyo ni San Juan.
15,000 PULIS IPAKAKALAT SA TRASLACION 2024
TINATAYA sa 15,000 kapulisan ang ipakakalat para tiyakin ang kaligtasan ng mga lalahok sa Traslacion o Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga organizer at concerned agencies hinggil dito.
“Nagkaroon na ng sectoring ang ating security forces. Nagkaroon ng final coordinating conference last week,” ani Fajardo.
Anito pa, ang rutang dinaanan ng Traslacion noong 2020 ay siya ring rutang dadaanan ngayong taon.
MGA BAGAY NA BAWAL SA MGA LALAHOK SA PRUSISYON
Pinaalalahanan ng opisyal ang mga deboto na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa prusisyon.
“Bawal ang backpack unless transparent. Bawal magsuot ng bullcap, bawal magdala ng umbrella, bawal magdala ng canisters and bottles unless transparent,” ani Fajardo.
Wala naman umanong anumang banta sa okasyon ang kanilang natatanggap sa ngayon.
SIGNAL JAMMING, NO FLY ZONE
Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ipatutupad ang signal jamming at no fly zone sa lungsod ng Maynila sa mismong araw ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon kay Acorda, walang oras kung kalian magsisimula at magtatapos ang signal jamming at no fly zone dahil nakadepende umano ito sa threat assessment ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kasama umano ito sa mga tinalakay sa isinagawang security cluster sa Malacanang na dinaluhan ng iba’t –ibang ahensiya ng pamahalaan.
Siniguro ni Acorda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tututukan nila at titiyaking ligtas, tahimik at mapayapa ang pagdaraos ng Traslacion 2024.

PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
6 DEAD IN MILITARY HELICOPTER CRASH
CEBU COP SACKED OVER ‘BRING ME DRUG PUSHER CHALLENGE’ VIDEO
SIGNAL NO. 4 UP IN PARTS OF VISAYAS, MINDANAO DUE TO ‘TINO’
15-YEAR-OLD BOY LISTED AS MOST WANTED ARRESTED IN TARLAC
2 WANTED MEN ARRESTED WHILE VISITING DEPARTED LOVED ONES ON ALL SAINTS’ DAY
DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA