ISANG retiradong Army general na ngayon ay isa nang vlogger na nagpakalat umano ng litrato na may pekeng caption na humihiling na bumaba sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sinampahan ng kaso ni Philippine National Police (PNP) chief Benjamin Acorda Jr..
Maliban kay Acorda, nasa pekeng litrato rin si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Romeo Brawner Jr..
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, dakong alas-12:30 ng tanghali ng Lunes ay nagtungo ang chief PNP sa Quezon City Prosecutors Office upang isampa ang kaso laban kay Ret. Army Gen. Johnny Macanas.
“Ang isinampa po nating kaso ay dahil sa pagpapakalat po ng hindi totoong information na ang ating chief PNP ay nag-withdraw na po ng support sa ating Presidente at hinihikayat ang ating Presidente na mag-resign,” paliwanag ni Fajardo.
Una nang nilinaw ng PNP na walang katotohanan ang bali-balitang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Marcos na kumalat sa social media.
Nakipag-ugnayan narin aniya ang PNP sa AFP para sa iba pang impormasyon kaugnay ng isyu ng destabilisasyon at sa ngayon ay wala naman siang namo-monitor.
“Sa ngayon, wala naman po tayong namo-monitor na any destabilization plot kagaya po ng naririnig natin lately,” paliwanag ni Fajardo.
“We are closely coordinating with our counterparts particularly the Armed Forces of the Philippines, and we are ready to address these kinds of issues kung darating po tayo sa ganoong punto ,” dagdag pa ng tagapagsalita ng PNP.
Sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame , iginiit ni Acorda na walang kapatawaran ang umano’y paninirang puri ng isang vlogger na napag-alamang dating army general na nagpakalat ng larawan nila ni Brawner na humihimok na bumaba sa puwesto ang Pangulo.
Tinawag ni Acorda na gusto lamang magpasikat ng nasabing ex-general vlogger.
Ayon pa kay Acorda, sinisikap ng PNP na lumikha ng magandang imahe kaya hindi nya palalampasin ang paninira sa kanya at sa organisasyon ng kapulisan.

15-YEAR-OLD BOY HAMMERS MOTHER TO DEATH, DUMPS BODY IN SEPTIC TANK
PRESIDENT MARCOS SHARES EERIE EXPERIENCES AT BAGUIO”S THE MANSION
ERWIN TULFO SEEKS UAE PARTNERSHIP FOR PH OIL HUB
ESCUDERO HAILS ELECTED BANGSAMORO PARLIAMENT AS MAJOR MILESTONE FOR PEACE, PROGRESS
MAYON VOLCANO ERUPTS, ALERT LEVEL 3 UP
LTFRB ISSUES OVER 1,000 ADDITIONAL BUS PERMITS TO BOOST PUBLIC TRANSPORT FOR UNDAS
NEARLY 28K EX-REBELS REINTEGRATED UNDER PBBM ADMINISTRATION — NTF-ELCAC
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3
BARANGAY HALL IN PAMPANGA FALLS PREY TO THIEVES ON ALL SAINT’S DAY
MOST WANTED IN CAVITE CAPTURED IN NUEVA ECIJA