ITINABOY ng mga Chinese Coast Guard (CCG) ang mga Pilipinong mangingisda na nangunguha lamang ng seashells sa Scarborough Shoal, ayon sa kumpirmasyon ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) itong Lunes.
Ang Scarborough Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, na nangyari ang insidente noong January 12.
Kumukuha umano ng seashells ang mga Pilipinong mangingisda para sa kanilang pangkain nang dumating ang mga Chinese Coast Guard.
“Noong January 12, habang sila ay nangunguha ng seashells dahil low tide dun sa southern part ng Bajo de Masinloc ay merong Chinese Coast Guard rubber boat na nilapitan sila. Lima ‘yung sakay ng rubber boat, apat ang bumaba at nilapitan ‘yung Filipino fishermen at pinaalis sila. Bago sila pinaalis ay sinabihan silang ibalik sa dagat ‘yung seashells na nakuha nila,” ani Tarriela sa isang panayam sa radyo.
Wala noong barko ng PCG nang mangyari ang panibagong panghaharaas ng mga Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda.
Ayon kay Tarriela, pinagsusumite na nila ang mga mangingisda ng affidavit para sa kaukulang dokumentasyon habang magsusumite naman ang PCG ng investigation report sa National Task Force for West Philippine Sea.
Una nang sinabi ni Armed Forces chief of staff Romeo Brawner earlier na magdedebelop ng mga isla ang Pilipinas sa West Philippine Sea na bahagi ng teriitoryo ng bansa upang may maayos na matirahan ang mga tropa.
Ang plano ay sa gitna ng umiigting na tensiyon sa pagitan ng Piipinas at China na kapwa nagpahayag ng pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea
Samantala, pumalag naman ang National Security Council (NSC) sa panibagong panghaharass na ito ng China kasabay ng pahayag na igalang ang usapan para mapagaan ang tensiyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay naganap sa harap ng “bilateral consultation mechanism” meeting sa pagitan ng Maynila at Beijing.
“Nagkaroon ng pag-uusap… na pababain ang tensyon sa West Philippine Sea. Sana tapatan nila ng aksyon sa ground ‘yung ating napag-usapan between the Philippine government and the Chinese government,” ani Malaya sa state television PTV.
“Sana moving forward, ma-implement ‘yung pag-uusap kasi it is not in the interest of the Philippines and China na tumaas ang tensyon ngayon 2024,” pahayag pa ni Malaya.

CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
KALINGA BILL TO DELIVER TARGETED AID TO WORKERS, TRANSPORT, FARMERS – SPEAKER DY
KIKO BARZAGA SURRENDERS AFTER MAKATI COURT ISSUES ARREST WARRANT FOR CYBER LIBEL
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK